(Courtesy: LTO)
Apat na truck driver ang nag-positibo sa shabu matapos magsagawa ng random inspection kahapon ang Land transportation office.
Ayon kay Divine Reyes, ang communications director ng LTO, sa 73 na driver na sumalang sa drug test, dalawa ang nag-positibo sa shabu sa Valenzuela City habang dalawa naman ang sa Quezon City.
Agad naman na dinala ang mga nag-positibong driver sa himpilan ng pulisya para sampahan ng kaukulang kaso.
Tatlong driver naman ang naaresto dahil sa paglabag sa Republic Act 4136 o Land transportation and Traffic Code.
Nasa 67 na driver naman ang lumabag sa Republic Act 8794 o Anti-Overloading Law.
Nagsagawa ng one time big time operation ang LTO katuwang ang Philippine National Police, Philippine Drug Enforcement Agency at Department of Public Works and Highways para matiyak na maayos ang lagay ng mga driver sa Metro Manila.