Lalo pang lumakas anng Bagyong Luis habang tinatahak ang northern limit ng Philippine Area of Responsibility.
Base sa 5:00 a.m. advisory ng Pagasa, namataan ang sentro ng bagyo sa 1,090 kilometro silangan ng Northeast of Extreme Northern Luzon.
Kumikilos ang bagyo sa northward direction sa bilis na 20 kilometro kada oras.
Taglay ng bagyo ang hangin na 75 kilometro kada oras at pagbugso na 90 kilometro kada oras.
Wala namang itinaas na Tropical Cyclone Wind Signal ang Pagasa.
Ayon sa Pagasa, inaaasahang nasa 1,165 kilometro silangan ng Northeast of Extreme Northern Luzon o labas na ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo mamayang 2:00 ng hapon.
READ NEXT
Bicam report ng SIM Registration, Barangay at SK elections postponement bills lusot sa Senado
MOST READ
LATEST STORIES