75-anyos na US citizen timbog sa P19.6M cocaine sa NAIA

Inaresto ng mga ahente ng gobyerno ang isang 75-anyos  na American citizen matapos madiskubre ang ilegal na droga sa kanyang bagahe pagpasok niya ng NAIA Terminal 1 kagabi.

Galing ng Doha, Qatar si Stephen Joseph Szuhar bagamat nagmula sa Brazil ang sinakyan niyang Qatar Airways QR 932.

Sumailalim sa K9, x-ray at physical inspection ang bagahe ni Szuhar matapos makatanggap ng impormasyon na may bitbit itong kontrabando.

Kasunod nito, ang pagkakadiskubre ng 3.7 kilo ng cocaine sa kanyang bagahe.

Itinanggi naman ni Szuhar na may nalalaman siya ukol sa droga.

Nabatid na pagdating ng NAIA ay humingi pa ng wheelchair ang suspek at ayon sa mga awtoridad maaring modus niya lamang ito upang hindi na masita.

Read more...