Cortes, Surigao del Sur niyanig ng 5.3 magnitude na lindol

Niyanig ng 5.3 magnitude na lindol ang Cortes, Surigao del Sur kaninang 9:12 ng umaga.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, naramdaman ang Intensity IV sa Tandag, Surigao del Sur, Intensity III sa Lanuza, Surigao del Sur at Intensity II sa Lianga, Surigao del Sur.

Naitala naman ang Instrumental Intensity II sa Cabadbaran City sa Agusan del Norte at Intensity I sa Nabunturan, Davao de Oro at Tandag sa Surigao del Sur.

Ayon sa Phivolcs, may lalim na 10 kilometro ang lindol at naitala ang epicentre sa 49 kilometro silangan ng Cortes.

Sinabi pa ng Phivolcs na maaring magkaroon ng mga aftershocks matapos ang malakas na lindol.

Wala namang inaasahang nasirang ari-arian dahil sa lindol.

 

 

Read more...