Inaprubahan na sa third and final reading ang panukala na ang layon ay muling maipagpaliban ng isang taon ang barangay at Sangguniang Kabataan elections.
Si Sen. Imee Marcos, ang namumuno sa Committee on Electoral Reforms, ang nag-sponsor ng Senate Bill No.1306 o ang An Act Postponing the December 2022 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections.
Sinabi nito, ang ilang ulit nang pagpapaliban sa barangay at SK elections, ay patunay na marami pang hindi nareresolbang mga isyu sa sistemang barangay at SK.
“Thus, this proposed election postponement is a means to buy us time for a series of measures that the Committee on Electoral Reforms and People’s Participation is proposing to Congress. This is merely a preliminary measure to give us time to study and debate the deeper issues confronting the barangay and SK systems under our present law,” aniya.
Nabanggit din nito ang pag-aatas sa Commission on Audit (COA) na busisiin ang nailaan na pondo para sa eleksyon sa darating na Disyembre .
Aniya sa kanyang palagay ay lubhang mataas ang gagastusin na P18.44 bilyon kung isasagawa ang eleksyon sa Disyembre sa susunod na taon.