Walang kumontra sa mga senador sa pinal at ikatlong pagbasa ng panukala para sa pagpaparehistro ng SIM card.
Ang Senate Bill No. 1310, na ini-sponsor ni Sen. Grace Poe, ang unang panukala na pumasa sa bahagi ng Senado ngayon 19th Congress.
Bagamat muli lang inihain muli ang panukala, na unang na-veto sa nagdaang administrasyong-Duterte dahil sa mga naisingit na probisyon na may kinalaman sa social media.
Layon ng panukala na magkaroon ng regulasyon sa pagpapa-rehistro at paggamit ng SIM card.
Kinakailangan na maiparehistro muna ng subscriber ang binili na SIM card bago niya ito magagamit.
Maging ang mga may ginagamit ng SIM card ay kinakailangan na iparehistro din ito.
Layon ng batas na matuldukan na ang mga krimen na naisasagawa sa pamamagitan ng cellphone o gadget na ginagamitan ng SIM.