Umapila ang Department of Trade and Industry (DTI) sa mga gumagawa ng panghanda sa kapaskuhan na limitahan sa 10 porsiyento ang itataas ng presyo ng kanilang mga produkto.
Ibinahagi ni Usec. Ruth Castelo ang kanilang obserbasyon sa pagtaas ng presyo ng ham, mayonnaise at pasta at aniya ang mga ito ay hindi kasama sa kanilang ‘price regulation.’
“Kung puwede nga sana minimal lang yung increases kasi we have seen na may mga produkto na medyo malalaki yung itinaas,” sabi ng opisyal.
Ayon pa kay Castelo kung P5 – P7 lang ang itataas ay maaring makaya pa ng mga konsyumer ngunit kapag malaki ang pagtaas ay mahihirapan nang makabili ang mga konsyumer.
“Pakiusap pa rin natin sa mga manufacturers ng christmas products kung puwede na maximum na nila yung 10 percent increase. huwag na silang lalagpas dun para hindi mabigla ang mga mamimili,” sabi pa nito.
Dagdag pa nito na hindi din dapat sabay-sabay na nagtataas ng presyo ang manufacturers sa katuwiran na ang mga konsyumer ay naghahanap pa rin kung saan sila makakatipid.
Sa susunod na buwan maglalabas na ang dti ng suggested retail prices (SRP) ng mga Noche Buena goods.