Ginamit na ehemplo at ginawa ng pamahalaang-bayan ng Lingig sa Surigao del Sur ang mga programa ng pamahalaang-lungsod ng Las Piñas.
Labis na nasiyahan at namangha si Lingig Mayor Elmer Evangelio, kasama ang mga opisyal ng kanilang bayan, nang bisitahin sina Mayor Imelda Aguilar at anak nitong si Vice Mayor April Aguilar.
Iprinisinta kina Evangelio ang 4 K’s (Kalusugan, Kalinisan, Kaatusan at Kaalaman) programs ng pamahalaang lungsod na ayon kay Mayor Aguilar ay ang mga susi sa pagbibigay nila ng maayos at de-kalidad na serbisyo sa mga mamamayan ng lungsod.
Ibinahagi din ng opisyal ang iginawad sa kanila n Safe City Award noon lamang nakaraang buwan dahil sa mga hakbang ng pulisya ng lungsod para naman sa mababang antas ng krimen.
Sinabi pa ni Aguilar na ang kanilang pulisya ang nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng mga naarestong suspek at pagmamalaki niya ito ay dahil sa pinaigting na presensiya ng mga pulis sa lansangan at koordinasyon ng kanilang mga barangay.
Ito ang mga hinangaan naman ni Evangelio dahil sa mga naturang programa ay tunay na naging progresibo, ligtas at maayos ang Las Piñas City.
Dumalo din sa presentasyon ang ibang opisyal ng lungsod kabilang sina City Administrator Reynaldo Balagulan, PIO chief Paul San Miguel at city department heads.