COVID-19 vaccines hindi nasira dahil sa Bagyong Karding

Reuters photo

Walang nasayang o nasirang bakuna kontra COVID-19 matapos ang pananalasa ng Bagyong Karding.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, mayroong mga pasilidad ang nasira dahil sa bagyo.

Nasa 21 pasilidad aniya ang nagkaroon ng bahagyang sira.

Tiniyak pa ni Vergeire na bagamat may mga pasilidad na nasira, hindi maaantala ang pagbibigay serbisyo publiko ng DOH.

Sa ngayon aniya, nakikipag-ugnayan na ang DOH sa local government units para agad na maayos ang mga nasirang pasilidad.

 

Read more...