#KardingPH napanatili ang lakas habang papalayo sa Luzon

Napanatili ang lakas ng Bagyoong Karding habang papalayo sa kalupaan ng Luzon.

Sa severe weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 190 kilometers Kanluran ng Dagupan City, Pangasinan bandang 7:00 ng umaga.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 140 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 170 kilometers per hour.

Kumikilos pa rin ang bagyo sa direksyong Hilagang-Kanluran sa bilis na 30 kilometers per hour.

Ilang lalawigan na ang inalis sa Tropical Cyclone Wind Signal.

Narito naman ang iba pang lalawigan sa bansa na nakataas sa sumusunod na Tropical Cyclone Wind Signal:

Signal no. 2:
– Western section ng Pangasinan (Bolinao, Bani, City of Alaminos, Anda, Sual, Labrador, Mabini, Agno, Burgos, Dasol, Infanta, Bugallon, Lingayen, Aguilar) at northern portion ng Zambales (Santa Cruz, Candelaria, Masinloc, Palauig, Iba)

Signal no. 1:
– La Union, nalalabing parte ng Pangasinan, southern portion ng Benguet (Sablan, La Trinidad, Itogon, Baguio City, Tuba, Kapangan, Tublay), nalalabing parte ng Zambales, northern portion ng Bataan (Bagac, City of Balanga, Abucay, Samal, Morong, Orani, Hermosa, Dinalupihan), Tarlac, Pampanga, at western portion ng Nueva Ecija (Cabiao, San Isidro, Jaen, San Antonio, Lupao, Science City of Muñoz, Santo Domingo, Talavera, Aliaga, Zaragoza, Cuyapo, Talugtug, Nampicuan, Guimba, Licab, Quezon)

Sinabi ng PAGASA na makararanas ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan sa Zambales, Bataan, at Lubang Islands habang mahina hanggang katamtamang pag-ulan naman sa western portion ng Pangasinan hanggang Lunes ng tanghali.

Sa nasabing lagay ng panahon, ibinabala ng PAGASA na maari itong magdulot ng pagbaha at landslide.

Patuloy na kikilos ang bagyo pa-Kanluran sa West Philippine Sea patungong Vietnam.

Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo sa Lunes ng gabi, Setyembre 26.

Read more...