Sa 5am bulletin, Signal No. 1 sa Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, the southern portion of mainland Cagayan (Peñablanca, Tuguegarao City, Iguig, Solana, Tuao, Enrile), Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Aurora, at sa hilaga at silangan bahagi ng Nueva Ecija (Carranglan, Pantabangan, Gabaldon, Bongabon, Laur, Rizal, San Jose City, Lupao, Llanera, Gen. Natividad, Palayan City, at Gen. Tinio).
Huling namataan ang bagyo sa distansiyang 795 kilometro silangan ng Tuguegarao City sa Cagayan at kumikilos ito sa direksyon ng kanluran-timog kanluran sa bilis na 15 kilometro kada oras.
Taglay na nito ang lakas ng hangin na 85 kilometro kada oras malapit sa gitna at bugso na aabot sa 95 hanggang 105 kilometro kada oras.
Inaasahan na tatama ito sa kalupaan ng Isabela o Aurora bukas ng umaga o hapon.
Sinabi ng PAGASA na pagkatawid ng bagyo sa bulubunduking bahagi ng Hilagang Luzon, lalabas ito sa West Philippine Sea, hapon ng linggo o Lunes ng umaga.
Hindi isinasantabi ang posibilidad na ang bagyong Karding ay umakyat sa typhoon category mula sa pagiging severe tropical storm pagtama nito sa kalupaan.