Bagyong Karding lumakas sa paglapit sa Hilagang Luzon

Lumakas ang bagyong Karding habang papalapit sa Hilagang Luzon.

Sa 5pm update ng PAGASA, taglay na ng bagyo ang lakas ng hangin na 75 kilometro kada oras malapit sa gitna at bugso na umaabot sa 90 kilometro kada oras.

Kumikilos ito pa-hilaga sa bilis na 15 kilometro kada oras.

Bukas ng gabi o sa Linggo ng umaga maarinh magdulot ng may kalakasan na ang ulan ang bagyo sa Batanes, Cagayan, Isabela at hilagang bahagi ng  Aurora.

Magpapatuloy ang pag-ulan hanggang sa Lunes sa hilagang bahagi ng Aurora, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Benguet, La Union at Pangasinan.

Gayundin sa Ilocos Provinces, Nueva Ecija, Tarlac, hilagang bahagi ng Zambales at natitirang bahagi ng Cordillera Administrative Region.

Read more...