Naniniwala si Senator Christopher Go na napakahalaga na mabunot na ang ugat ng patuloy na pakikipaglaban ng New People’s Army (NPA).
Ayon kay Go kung magkakaroon ng kabuhayan, magbabalik-loob o hindi na mag-iisip pa ang mga rebelde na makipaglaban sa puwersa ng gobyerno.
“Pero not limited only sa pagsugpo ng rebelyon. Ang gawin natin palawakin po natin. Aside from matigil ang rebelyon bigyan natin ng pangkabuhayan kung sino po ang mga gustong bumalik na sa gobyerno,” sabi ng senador.
Sinabi ito ni Go kasabay nang pagpapahayag ng suporta sa panukala na mapagtibay pa ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict.
Katuwiran nito napatunayan na ang pagiging epektibo ng mga programa ng NTF-ELCAC para mabawasan ang insurehensiya at pagbabalik ng kapayapaan sa mga kanayunan.
Pag-amin lang ni Go, nasa kamay na ng kasalukuyang administrasyon ang kahihitnan ng task force.