VP Sara: Face shield puwede ipalit sa mask ng mga guro, estudyante

Naglabas ng kautusan si Vice President at Education Secretary Sara Duterte na naglalaman ng health and safety protocols sa mga paaralan.

Sa DepEd Order No. 39 series of 2022 at may petsang Setyembre 22, maaring magamit na alternatibo ng mga teacher, school personnel at mag-aaral ang face shield sa mask.

Kasunod naman ito ng deklarasyon ng Malakanyang na boluntaryo na lamang ang pagsusuot ng mask sa ‘outdoor and open spaces.’

Nanatili naman mandatory sa mga guro at mag-aaral ang pagsusuot ng mask sa loob ng classrooms at iba pang ‘enclosed places’ sa paaralan.

“Wearing of face masks shall be mandatory for all personnel, learners, and visitors inside classrooms, laboratories, and other school rooms, but shall be voluntary in open spaces, or non-crowded outdoor areas with good ventilation, as well as in playing sports and other physical activities,” banggit ni Duterte sa kanyang kautusan.

Read more...