Pitmaster Foundation tumugon sa Climate Change agenda ng Marcos Jr-administration

Agad tumugon ang Pitmaster Foundation sa panawagan ni Pangulong Marcos Jr., na paigtingin pa ang paggamit ng mura at ligtas na uri ng enerhiya sa bansa.

Kabilang ang Pitmaster Foundation sa mga nag-sponsor sa paglulunsad ng Disaster and Climate Emergency Policy Forum sa Makati City kahapon, sa pangunguna na rin ni Albay Rep. Joey Salceda (2nd District).

Kilala si Salceda na ekesperto at  UN awardee sa mga usapin ukol  sa disaster at climate change.

Ibinahagi ni Atty. Caroline Cruz, executive director ng Pitmaster Foundation, na isa sa kanilang mga hangarin ay mapagtuunan ng sapat napansin ang isyu sa climate change at pangangalaga sa kalikasan at kapaligiran.

Kayat aniya kinuha nilang magandang pagkakataon ang naging pahayag ni Pangulong Marcos Jr., sa UN General Assembly ukol sa dapat na pagkakaisa at pagtutulungan sa pagharap sa climate change.

“There is no other problem so global in nature that requires a united effort, led by the United Nations. The effects of climate change are uneven and reflect a historical injustice: those who are least responsible suffer the most,” pahayag ng Punong Ehekutibo.

Ayon pa kay Cruz hindi lamang sa tuwing may kalamidad o oras ng pangangailan sila kumikilos kundi maging sa mga sitwasyon na lubos na makakatulong sa mamamayan at komunidad.

Pagtitiyak nito na makakaasa sa kanila ang administrasyong-Marcos Jr., ng suporta at tulong sa mga programa kaugnay sa climate change at disaster resiliency.

Gagawin nila aniya ito sa kabila ng suspensyon sa pansamantalang pagtigil ng operasyon ng Lucky 8 Star Quest, na kanilang pangunahing donor sa kanilang mga misyong pangkawanggawa.

Read more...