Nagkasundo ang dalawang lider na suportahan ang freedom of navigation and overflight at idaan sa mapayapang pamamaraan ang anumang disputes o hindi pagkakasundo.
Tiniyak din ni Biden kay Marcos na mananatili ang ironclad na suporta ng Amerika sa Pilipinas sa usapin sa depensa.
Mahalaga kasi aniya ang alyansa ng dalawang bansa.
Tinalakay din ng dalawang lider ang mga oportunidad sa pagpapalawig sa bilateral cooperation gaya ng energy security, climate action, at infrastructure.
Tinalakay din nina Marcos at Biden ang giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine at ang implikasyon nito sa presyo ng enerhiya at food security.
Napag-usapan din ng dalawa ang usapin sa ASEAN, pati na ang krisis sa Burma at pagbibigay halaga sa karapatang pangtao.