Environmentalist group, nagprotesta sa Chinese Embassy

Photo credit: Jimmy Domingo

Nagsagawa ng kilos-protesta ang environmentalist group sa harap ng Chinese Embassy sa Manila.

Ito ay bahagi ng paggunita sa unang anibersaryo ng polisiya ni Chinese President Xi Jinping na hindi na magtatayo ang China ng bagong coal-fired power projects.

Ayon kay Lidy Nacpil, coordinator ng Asian Peoples’ Movement on Debt and Development (APMDD), dapat na tuparin ni Xi ang pangako nito.

“We call on China to fully act on this pledge and showcase China’s renewable energy leadership by converting those planned but yet to be constructed, coal power projects to renewable energy,” pahayag ni Nacpil.

Ilang taon nang nakararanas ng heavy diplomatic pressure ang China para hikayatin na tuldukan na ang overseas coal financing overseas.

Taong 2021 nang mangako si Xi sa United Nations General Assembly na titigilan na ng China ang pagtatayo ng coal-fired power plant.

Nasa mahigit 120 organisasyon na aniya ang pumirma sa open letter para ipalalaka kay Xi na tuparin ang pangako.

“We strongly urge China to end all forms of support and involvement of its institutions in all coal projects overseas, shift its public and commercial overseas energy financing to renewable energy for Southern countries, and stop building its domestic coal energy system as well. We reiterate the urgency of these actions to combat climate change and address its impacts that are devastating many countries now and endangering the future of life on the planet,” pahayag ni Nacpil.

Read more...