Palasyo: Tanging si PBBM ang pinulong ni U.S. Pres. Biden

Tanging si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. lamang na world leader ang kinausap sa pamamagitan ng bilateral meeting ni U.S. President Joe Biden sa sideline ng 77th United Nations General Assembly na ginaganap sa New York.

Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, sa dinami-raming world leaders na humihirit ng bilateral meetings, tanging si Marcos ang bukod-tanging pinagbigyan ni Biden.

Sa naturang bilateral meeting, tiniyak ng Pangulo na kaibigan, partner at kaalyado ng Amerika ang Pilipinas.

Nais din ni Biden na talakayin kay Marcos ang usapin sa human rights.

Hindi naman matuloy ni Angeles kung sino ang humiling sa bilateral meeting.

Read more...