Mismong si PNP Chief Rodolfo Azurin Jr., ang nagsabi na ang Facebook post ay nagsimulang kumalat noon pang 2017 at peke ito base na rin sa pahayag ng Quezon City Police District.
Ayon pa kay Azurin, iniimbestigahan na ng kanilang Anti-Cybercrime Group ang naturang post at nakikipag-ugnayan na rin ito sa Facebook para permanente nang maalis ang mga posts na napapatunayang peke.
“Please always be mindful of the authenticity of the information and the credibility of its source. Unverified information or any information that cannot be independently validated as factual should always be dealt with caution and prudence, especially if the source is dubious or unknown,” panawagan ng hepe ng pambansang pulisya.
Sa bahagi naman ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Brig. Gen. Jonnel Estomo pinagsusumikapan nila na malaman ang katotohan sa naturang viral post.
Una na aniya itong pinabulaanan ni dating PNP Chief Guillermo Eleazar noong ito pa ang director ng QCPD.
Umapila din si Estomo sa netizens na iwasan ang pag-repost ng mga pekeng impormasyon sa kanilang socmed accounts.