Pumasa na sa 2nd reading ang panukala na ipagpaliban muli ang nakatakdang eleksyon sa darating na Disyembre.
Tanging sina Minority Leader Koko Pimentel III at Deputy Minority Leader Risa Hontiveros ang tumutol.
Nakasaad sa panukala na sa ikalawang araw ng Lunes sa Disyembre 2023 na lamang isagawa ang eleksyon.
Nakapaloob din na ang mga susunod na synchronized barangay at SK elections ay isasagawa na sa ikalawang Lunes ng Mayo 2026 at pagkatapos ay tuwing pangatlong taon.
Nais ni Hontiveros na sa darating na Mayo na ikasa ang eleksyon sa katuwiran na mas makakapaghanda ang Commission on Elections (Comelec), ngunit ibinasura ito ni Sen. Imee Marcos, ang namumuno naman sa Committee on Electoral Reforms.