Base sa 4pm update ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa distansiyang 1,320 kilometro silangan ng Hilagang Luzon.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 65 kilometro kada oras malapit sa gitna at bugso na umaabot sa 80 kilometro kada oras.
Mabagal itong kumikilos sa direksyon ng Hilaga-Hilagang Kanluran.
Nagbabala ang ahensiya na maari itong magdulot ng malakas na pag-ulan sa Hilaga at Gitnang Luzon simula sa gabi ng Sabado o umaga ng Linggo.
Posible rin na itaas ang Signal No. 1 sa Hilaga at Gitnang Luzon bukas ng gabi o umaga ng Sabado.
MOST READ
LATEST STORIES