Sen. Nancy Binay, handang suportahan ang POGO ban

Senate PRIB photo

Ibinabangga ni Senator Nancy Binay ang kinikita ng gobyerno sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa mga krimen na iniuugnay sa naturang gambling operation.

“Is it worth it? Kung hindi sulit ang kinikita mula sa POGO lalo pa’t dumarami ang krimen na konektado dito handa kami magpasa ng batas para sa total ban ng POGO,” ani Binay.

Aniya, may mga ulat ang pulisya na nag-uugnay sa POGOs sa mga krimen tulad ng kidnappings, extortion, at pagpatay, kung saan ilan sa mga biktima ay POGO workers.

Sinabi pa ng senadora na malalaman niya ang mga benepisyo sa operasyon ng POGOs sa gagawing pagdinig ng Committee on Ways and Means.

“Dapat pag-aralan ang pros and cons ng ooerasyon ng POGO at tingnan kung may silbi ba ito sa bansa,” dagdag pa ng senadora.

Sa isang Development Budget Coordination Committee (DBCC) meeting, sinabi ni Finance Sec. Benjamin Diokno na makakabuti na itigil na ang POGOs sa bansa dahil sa mga nakalipas na taon ay pababa ang kita ng mga ito.

Read more...