Ipinaliwanag ni Gatchalian sa inihain niyang Senate Bill 1149 na nais niyang lumawak pa ang pagpapatupad ng work-from-home arrangement dahil sa mga benepisyo na idinudulot nito sa lipunan.
Isa sa kanyang nabanggit ang positibong idudulot nito sa sitwasyon ng trapiko sa Metro Manila.
Sa kanyang panukala, mababawasan ng P25 ang buwis ng isang kawani sa bawat oras ng kanyang pagtatrabaho sa pamamagitan ng WFH.
Gayundin, dagdag pa ng senador, magiging tax free na rin ang allowances o benepisyo na hindi hihigit sa P2,000 ng empleado.
MOST READ
LATEST STORIES