Online gambling, nais ipagbawal ni Sen. Joel Villanueva

Naghain ng panukala si Senate Majority Leader Joel Villanueva upang maipagbawal sa bansa ang lahat ng uri ng online gambling.

Ikinatuwiran ni Villanueva sa kanyang Senate Bill 1281 o ‘Anti-Online Gambling Act’ na malala na ang epekto ng online gambling sa Pilipinas dahil maraming buhay at pamilya na ang nasira.

Marami aniyang nawalan ng kabuhayan at naging ugat pa ng krimen ang pagsusugal gamit ang internet.

Sa panukala, ang mga mapapatunayang lumabag ay maaring makulong ng hanggang limang taon at pagmumultahin ng hanggang kalahating milyong piso.

Mas mabigat ng kaparusahan kapag ang nakasuhan ay opisyal o kawani ng gobyerno.

Read more...