COVID-19 positivity rate sa ilang probinsya ng Luzon, tumaas – OCTA

Photo credit: Dr. Guido David/Twitter

Tumaas ang weekly positivity rate ng COVID-19 sa ilang probinsya sa Luzon.

Sinabi ni OCTA Research fellow Dr. Guido David na mula sa 13.3 porsyento, tumaas sa 15.6 porsyento ang positivity rate ng nakahahawang sakit sa Metro Manila hanggang Setyembre 17.

Tumaas din ang positivity rate sa Bulacan (16.1 porsyento), Cavite (16.6 porsyento), Laguna (10.7 porsyento), Pangasinan (8.0 porsyento), at Rizal (18.7 porsyento).

Bumaba naman ang COVID-19 positivity rate sa nalalabi pang probinsya.

Nakapagtala naman ang Zambales ng pinakamababang positivity rate na 4.4 porsyento.

Read more...