Pagiging ‘too skinny’ ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, napuna ng netizens

Photo grab mula sa IG Account ni Pia Wurtzbach
Photo grab mula sa IG Account ni Pia Wurtzbach

“Too skinny!” “Ang payat, payat ni Queen P!”

Ilan lamang yan ang mga comment ng netizens sa latest photo na pinost ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa kanyang Instagram account.

Sa naturang picture na may caption na ‘Las Vegas strolling in style,” na suot ng white blouse at pants si Wurtzbach.

Gayunman, mayorya sa mga nagkomento ay nagsabing labis na ang kapayatan ng Filipina beauty queen.

Ayon pa sa ibang netizens, mukha raw ‘unhealthy’ si Wurtzbach.

May nagpayo rin kay Wurtzbach na kumain pa ng marami upang tumaba ng kaunti, at huwag masyadong magpaka-slim.

Sa kabila nito, sinabi ng fans nito na mahal pa rin nila ang reigning Miss Universe, payat man o maging chubby.

Read more...