Suportado ni Senator Christopher Go ang Executive Order No. 3 na inilabas ng Malakanyang para sa boluntaryong pagsusuot na lamang ng mask sa mga outdoor space.
Katuwiran ni Go, ito ay inirekomenda ng Inter-Agency Task Force (IATF) at sa kanyang paniniwala ito ay science-based at talagang pinag-aralan.
Gayunpaman, hinihikayat pa rin ng senador ang patuloy na pagsusuot ng mask bilang proteksyon hindi lamang sa sarili kundi maging sa ibang tao, lalo na ang mga nabibilang sa ‘vulnerable sectors.’
Giit ng namumuno sa Senate Committee on Health, mas mahirap na ang mga matatanda ang tamaan ng sakit.
Aniya, wala namang mawawala, kung hindi rin naman nagdudulot ng hindi pagka-komportable ang mask, ay patuloy na lamang na magsuot nito.
Narito ang bahagi ng pahayag ng senador:
WATCH: Senate Committee on Health chairman Sen. Bong Go, pabor sa Executive Order 3 pero hinihikayat ang pagsusuot ng mask bilang patuloy na proteksyon sa COVID-19. | @escosio_jan
🎥: Office of Sen. Bong Go pic.twitter.com/5bBuz7brjg
— RadyoInquirerOn-Line (@radyoinqonline) September 16, 2022