Partylist solon inihirit ang P12B budget ng DOTr para sa Libreng Sakay program

Nanawagan si AGRI Partylist Representative Wilbert Lee sa mga kapwa mambabatas na ibigay ang P12 bilyon na kailangan ng Department of Transportation (DOTr) para sa pagpapatuloy ng Libreng Sakay program sa susunod na taon.

Gayundin, nais din ni Lee na ibigay sa DOTr ang kinakailangang P6.6  bilyon para matugunan ang backlog sa plaka ng mga sasakyan.

Sa budget briefing ng kagawaran sa Mababang Kapulungan, pinuna ni Lee na tumaas ng 121.5 porsiyento ang 2023 budget ng DOTr, ngunit may mga partikular na programa na hindi na pinondohan para maipagpatuloy sa susunod na taon.

Ibinahagi ni Transportation Sec. Jaime Bautista na humiling sila ng pondo sa Department of Budget and Management (DBM) ngunit hindi sila napagbigyan.

Pagpupunto ng mambabatas malaking tulong sa mga mamamayan ang programa lalo na nagpapatuloy pa rin ang pandemya.

Read more...