DOE officials ginisa ni Tulfo sa nagpapatuloy na brownouts

PDI PHOTO

Hindi tinantanan ni Senator Raffy Tulfo ang mga opisyal ng Department of Energy (DOE) sa nagpapatuloy na insidente ng pagkawala ng suplay ng kuryente .

Sa pagdinig ng pinamumunuan niyang Committee on Energy inusisa ng senador kung magpapatuloy ang pagpapalabas ng red at yellow warnings dahil sa manipis na suplay ng kuryente.

Kamakalawa, nagpalabas ng red at yellow warnings kasunod nang pagbagsak ng pitong power plants.

“Because when you [Department of Energy] issue red and yellow warning alerts, it really alarms the public, especially the businesses. They have to be ready for the brownouts that may happen because these may affect their operations and of course, it may also affect the households as well. What is the status of your on-going monitoring?” tanong ni Tulfo.

Ibinahagi naman ni Energy Asec. Mario Marasigan na nagsasagawa sila ng regular na monitoring sa lahat ng system operations na may kinalaman sa sektor ng enerhiya.

Dagdag pa niya na kabilang sa kanilang daily monitoring ang mga planta ng kuryente.

“Should there be instances like what happened last Sunday, the DOE is monitoring it more closely. If we need to call the power plant, we call them on the spot. We don’t wait for the report,” sabi pa nito.

Read more...