Huwag ng gawing evacuation centers ang mga paaralan

Inquirer file photo

Huwag ng gawing evacuation centers ang mga eskwelahan.

Ito ang apela ni senate President Pro Tempore Ralph Recto sa pamahalaan.

Paliwanag ni Recto, nagiging collateral damage ang mga estudyante tuwing may bagyo, baha, pag apaw ng ilog, sunog at maging ang pagkakaroon ng kaguluhan sa mga conflict areas.

Dahil sa karaniwang nagiging evacuation center ang mga eskwelahan, hindi na aniya naipagpapatuloy ang klase.

Mungkahi ni Recto sa pamahalaan, magtayo ng mga gymnasium na “pang-disaster na, pang sports pa.”

Ayon kay Recto, dapat tiyakin na ang itatatag na mga gymnasium ay disaster resilient o matatag laban sa mga kalamidad dahil ito ang dapat na gamiting evacuation centers sa halip na ang mga school buildings./ Chona Yu

 

 

Read more...