10 nasaktan sa demolition sa Pasig

pasig demolition
Kuha ni Jan Escosio

Sampu ang nasugatan kabilang ang limang pulis at limang miyembro ng demolition team sa tangkang pagbuwag sa mga kabahayan sa St. Benedict compound Barangay Kalawaan, Pasig City.

Alas 9:00 ng umaga nang tangkain demolition team at mga pulis na pasukin ang nasabing compound pero hindi nakapasok ang mga ito makaraang pagbabatuhin sila ng mga residente hindi lamang ng bato kundi maging dumi ng tao na nakasilid sa plastic.

Maging ang ilang mga photojournalist ay tinamaan din nang pambabato ng mga residente.

Nagkaroon na ng pag-uusap ang mga tauhan ng Pasig City government at ng Commission on Human Rights.

Nauna nang sinabi sa Radyo Inquirer ni Arman Claveria, presidente ng Homeowners Association na bilhin na lamang ang lupa na kinatitirikan ng isandaan at sampung mga bahay na aabot sa dalawang daang libong piso kada bahay.

Katwiran pa ni Claveria na bagaman nakatanggap sila ng notice of demolition pero hindi naman nakasaad ang petsa. Dakong alas 2:00 ng hapon, muli namang tinangkang pasukin ng demolition team kasama ang mga miyembro ng SWAT team ng Pasig city police ang nasabing compound. Gumamit na rin ng water cannon ang otoridad laban sa mga uma-almang residente./ Jan Escosio

Read more...