Sa pamamagitan ng bagong broadband category, magiging abot kaya na ang pagkakaroon ng koneksyon sa fiber internet.
Bukod dito, maari din itong pagkakitaan sa mga sari-sari store, na magsisilbi naman ‘connectivity hut.’
Nabatid na sa halagang P20 magkakaroon na ng reliable internet access ng 12 oras.
Pagsuporta na rin ito, ayon kay Janis Legaspi-Racpan, head ng Globe At Home Brand Management, sa nais ng gobyerno na palaganapin ang internet access sa bansa.
“Para matugunan ang tinatawag na digital divide sa bansa, ginagawan ng Globe ng paraan na ma-access ng lahat ang mabilis na fiber internet. Idinisenyo ang TMBayan Fiber Wifi para maging pinaka-accessible na Fiber plan sa merkado ngayon,” sabi pa ni Legaspi-Racapan.
Dagdag pa niya, maaring maging wifi hotspots ang mga tindahan, community center at town plaza, bukod pa sa mga lugar ng pagtitipon ng mga tao.