Isang birthday party ang idinaos sa Palasyo ng Malakanyang para sa ika-65 na kaarawan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Base sa Facebook post ni Social Welfare Secretary Erwin Tulfo, ginawa ang party sa Rizal Hall.
Dumalo sa okasyon sina Vice President Sara Duterte at dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.
Dumalo rin sina Senate President Juan Miguel Zubiri, House Speaker Martin Romualdez at iba pang miyembro ng gabinete.
Makikita sa video na kinatahan pa ang Pangulo ng “Happy Birthday.”
Mayroon ding malaking cake na may temang bandila ng Pilipinas at mini figurine ng Pangulo.
READ NEXT
EO para sa isang taong moratorium sa pagbabayad ng utang ng mga magsasaka, nilagdaan ni Pangulong Marcos
MOST READ
LATEST STORIES