Andanar personal na kinausap si Duterte para ialok ang tulong sa pamahalaan

martin andanar1
FB photo

Noong araw lamang ng Huwebes nagkita sa Davao City incoming President Rodrigo Duterte at TV 5 news anchor Martin Andanar kung saan inalok niya ang sarili na tumulong sa papasok na administrasyon.

Noong araw din na iyun ay ibinigay ni Duterte ang posisyon  kay Andanar bilang pinuno ng Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Kinagabihan sa isang press conference ay kinumpirma ni Duterte ang appointment ni Andanar sa kanyang administrasyon.

Sa panayam, sinabi ni Andanar na inutusan siya ng bagong halal na pangulo para ayusin ang pamamahala sa PTV4, Radyo ng Bayan at Philippine News Agency.

Papalitan ni Andanar sa PCOO si Sec. Sonny Coloma Jr. na sinabing babalik sa private sector.

Read more...