3 bata patay sa sunog sa Cainta Rizal

fire
Inquirer file photo

Patay ang tatlong mga bata samantalang umabot  sa 50 mga bahay ang natupok sa isang malaking sunog sa Cainta Rizal.

Pasado alas-onse ng gabi nang sumiklab ang sunog sa Apple 2 Village, Brgy. San Juan Cainta Rizal.

Mabilis na kumalat ang apoy sa mga magkakatabing mga bahay na gawa lamang sa mga light materials.

Kinilala ni Cainta Police Chief Supt. Marlon Gnilo ang mga biktima na magkapatid na sina kevin Espinbos, 9-anyos; Nico Espinosa 14-taong gulang at ang kanilang pinsan na si Coleen Espinosa na dalawang taong gulang lamang.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection, sinasabing sa napabayaang kandila nagmula ang sunog.

Pasado alas-dos na ng madaling araw naideklarang fire undercontrol ang sunog na umabot sa ika-apat na alarma.

Pansamantalang mananatili sa Palmera Homes 2 Basketball Court sa bayan ng Taytay Rizal ang mga nabiktima ng sunog.

Read more...