Ipinagdiwang ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang kanyang ika-65 na kaarawan sa pamamagitan ng nationwide simultaneous bamboo-planting activity sa Brgy. Pintong Bocaue, San Mateo, Rizal.
Ayon sa Pangulo, mahalaga bigyang pansin ang problema sa kalikasan dahil ito na rin ang suliranin sa buong mundo.
Target ng Pangulo na ma-develop at mataniman ang 46,265 na ektaryang lupain ngayong taon.
Sinabi pa ng Pangulo na bukod sa reforestration, target din ngayon ng pamahalaan partikular na ng Department of Environment and Natural Resources na maging enhanced national greening program sites ang may 11,631 na ektaryang lupa sa 2023.
Umaasa ang Pangulo na dahil sa mga nakalatag na programa, makalilikha ang gobyerno ng trabaho at livelihood opportunities sa mga Filipino.
“Kaya naman ay pinili namin sabi ko siguro ang pinakamaganda ay para ‘yung kaarawan ko ay maging mas makabuluhan at talagang may dahilan na tayo ay mag-celebrate ay sabi ko gawa tayo ng greening tree planting at ‘yan naman talaga ay ang pinakaimportanteng isyu hindi lamang sa Pilipinas kung hindi sa buong mundo ngayon,” pahayag ng Pangulo