Binanggit niya ang surveillance report ng DOH na sa unang walong buwan ng taon, nakapagtala na ng 1,462 leptospirosis cases, na mas mataas ng 15 porsiyento sa naitalang 1,278 sa katulad na panahon noong 2021.
Sa kabuuang bilang, may 205 na ang namatay, kung kailan pinakamarami noong nakaraang buwan ng Hulyo sa bilang na 53.
Ayon kay Go, ang kanyang panawagan ng pag-iingat ay dahil sa panahon ng tag-ulan sa bansa at madalas din ang bagyo sa Pilipinas.
Aniya, kailangang panatilihing malinis ang kapaligiran at iwasan ang paglusong sa baha.
Nabanggit niya ang isinusulong niyang panukala para sa pagpapatayo ng Center for Disease Control and Prevention (Senate Bill 195) at Virology Science and Technology Institute (Senate Bill 196).
Kapwa layon ng dalawang panukala na maiwasan ang pagkalat ng iba’t ibang sakit.