DOTr chief Bautista, pabor na mag-face mask sa public transport

DOTr photo

Gusto ni Transportation Secretary Jaime Bautista na manatiling nakasuot ng mask ang lahat ng mga sumasakay sa mga pampublikong sasakyan.

Katuwiran ni Bautista, base sa mga lumalabas na datos, hindi pa naman masasabing kontrolado na ang sitwasyon kaya’t hindi dapat magpakampante ang lahat.

Una nang ibinahagi ni Department of Health (DOH) officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na ‘verbally approved’ ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na paluwagin ang polisiya sa pagsusuot ng mask.

Ngunit sinabi ni Vergeire na kailangang magpalabas muna ng kautusan ang Malakanyang ukol dito.

Higit dalawang taon nang ipinapatupad ang ‘mask-use policy’ sa bansa.

Read more...