70 katao huli sa Makati dahil sa Oplan Rody

Curfew
Inquirer file photo

Umabot sa 70-katao ang inaresto ng mga otoridad kaugnay sa pagpapatupad ng Oplan Rody o Rid of Drinkers and Youth.

Sa nasabing bilang, 50 sa mga ito ay pawang mga menor-de-edad.

Sinabi ni Makati City Police Chief Angelo Germinal na ipinatutupad lang nila ang ordinansa na nagbabawal sa mga bata sa lansangan mula 10pm hanggang 4am.

Bawal din sa Makati City ang pag-inom sa mga lansangan at iyung paglalakad ng walang damit.

Nilinaw din ng opisyal na matalag na nilang ipinatutupad ang mga ordinansa pero aminado siyang mas lalo nilang itong pinag-igting dahil sa kautusan ni Duterte.

Kabilang din sa mga sinuyod ng mga tauhan ng Makati City Police Office ay ang mga bars at computer shops sa lungsod.

 

Read more...