Sen. Sonny Angara, hangad na maipasa ang 2023 national budget bago mag-Pasko

Photo credit: Sen. Sonny Angara/Facebook

Ibinahagi ni Senator Sonny Angara na sisimulan ang pagdinig ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) para sa 2023 national budget sa araw ng Martes, Setyembre 13.

Ayon sa namumuno sa Senate Committee on Finance, ang balak ay matapos ang lahat ng mga pagdinig sa kalagitnaan ng susunod na buwan.

Aniya, ang plenary debates naman ay inaasahang matatapos sa kalagitnaan ng Nobyembre para makalusot ang budget bill at mapirmahan na ito ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. bago sumapit ang Araw ng Pasko.

Nais aniya nilang mapalakas pa ang sektor at sistemang pangkalusugan, samantalang susuportahan pa rin ang mga sektor na labis na apektado ng pandemya.

Dagdag pa ni Angara, may mga programa ring binabalak para sa maliliit na negosyo.

Gayundin, ang pagpapaigting ng trainings at skills programs para sa mga kabataan, na magiging daan upang sila ay magkatrabaho.

Read more...