Boluntaryong paggamit ng face mask sa open spaces, inaprubahan ni Pangulong Marcos

December 21 2020
A man with his companion wear face masks resembling the Philippine flag in Divisoria, Manila on monday, as the IATF recently announced that wearing face shields along with face mask even when out in public is now mandatory.
INQUIRER/ MARIANNE BERMUDEZ

Inaprubahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang panukala na gawing boluntaryo na lamang ang pagsusuot ng face mask sa open spaces.

Inanunsiyo ito ng Palasyo ng Malakanyang, Lunes ng hapon.

Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, pinirmahan ng Pangulo ang Executive Order No. 3 ukol sa naturang polisiya.

Matatandaang inirekomenda ng Inter-Agency Task Force of Emerging Infectious Diseases (IATF) na gawing boluntaryo ang pagsusuot ng face mask sa gitna ng COVID-19 pandemic noong nakaraang Miyerkules.

Read more...