Duterte supporters kahapon pa dumagsa sa Davao City

duterte (2)
Davao City website

Nakalatag na ang mahigpit na seguridad kaugnay sa gaganaping thanksgiving party para kay incoming President Rodrigo Duterte.

Nagtayo ng tents ang ilan sa mga taga-suporta ni Duterte at sa labas na ng Davao City Crocodile Park na sila nagpalipas ng magdamag.

Tinatayang aabot sa 200,000 supporters ang magtitipon-tipon sa gaganaping event kaya todo-bantay na kahapon pa lamang ang mga tauhan ng Philippine National Police at Presidential Security Group.

Magiging star-studded din ang gaganaping party mamayang gabi kung saan ay inaasahan ang performance nina Vice Ganda, Ahron Villaflor, Carlos Agassi, Gary Vergara, Andrew E., Paolo Snatos, Lord Dulat, Kimmy Bondoc, Bernardo Bernardo, at Beverly Salviejo.

Ang hosts ng  event ay sina Kat De Castro, Bayani Agbayani and Arnel Ignacio.

Alas-diyes naman ng gabi inaasahang magsasalita sa entablado si Duterte ayon sa pinakahuling impormasyon na inilabas ng kanyang kampo.

Read more...