Apat na rice smugglers nahatulang ‘guilty’ ng Bataan court

Nasentensiyahan ng pagkakakulong ang apat na indibiduwal na naaktuhan ng mga ahente ng Bureau of Customs (BOC) sa pagpupuslit ng mga smugged na bigas sa Orion, Bataan.

Nahatulan ngayon araw ng 3rd Municipal Circuit Trial Court ng Orion – Pilar ang apat ng pagkakakulong ng tatlong taon at anim na buwan hanggang apat na taon at walong buwan.

Sila ay nilitis sa paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act.

Base sa record ng korte, nasabat ang LCT Yellow River at ilang truck na pinaglilipatan ng mga ipinuslit na bigas at sigarilyp sa Orion Dockyard noong Pebrero 24, 2021.

Bukod sa mababang korte, sinampahan din ng mga kaso ang apat sa regional trial court at Court of Tax Appeals (CTA).

Read more...