PAGASA: Bagyong Inday maaring umabot sa typhoon category

Posible na sa susunod na 24 oras ay aabot na sa typhoon category ang bagyong Inday, ayon sa PAGASA.

Maari din magpatuloy ang paglakas nito hanggang sa araw ng Linggo o umaga ng Lunes habang tinatahak nito ang direksyon na hilaga-kanluran sa ibabaw ng Philippine Sea.

Inaasahan na hihina naman ito pagsapit ng Lunes.

Dahil sa epekto ng bagyo maaring maging maalon sa Batanes at Babuyan Islands bukas at delikado ito para sa mga maliliit na sasakyang-pandagat.

Hindi din inaasahan na magdudulot ito ng mga napakalakas na pag-ulan.

Read more...