Itinanggi ni Metro Manila police director, Brigadier General Jonnel Estomo na talamak muli ang kaso ng kidnapping sa mga Filipino-Chinese.
Sa pagharap ni Estomo sa Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry Inc., ibinahagi nito na ang lahat ng mga napa-ulat na kaso ng kidnapping sa Metro Manila ay naresolba.
Aniya mula noong Enero hanggang noong nakaraang buwan, apat na kaso ng kidnap for ransom at anim na kaso ng serious illegal detention sa Kalakhang Maynila ang kanilang naresolba.
Dagdag pa ni Estomo, naaresto nila ang mga suspek sa lahat ng mga kaso at nailigtas ang mga biktima.
“Wala pong kidnapping na nangyayari. Kahit po sa ibang city wala po tayong ganyan mga kaso, hindi po ito totoo. Kung mayroon man po tayong natanggap na reklamo, lahat po ito ay naresolved na ng kapulisan,” diin ng opisyal.