Dating PCOO official, itinalagang assistant secretary ng OPS

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang multi-awarded na dating mamahayag na si JV Arcena bilang assistant secretary ng Office of the Press Secretary.

Nanumpa na sa tungkulin si Arcena kay Press Secretary Trixie Angeles.

Bago naitalaga sa bagong posisyon, nagsilbi na si Arcena bilang assistant secretary ng Presidential Communications Operations Office sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

“I thank the President for his trust and confidence. Rest assured, I will continue to work hard serving the Filipino people,” pahayag ni Arcena.

Pinangunahan ni Arcena ang pagbuo ng Office of the Global Media and Public Affairs na angsilbing tulay para maipalaganap sa buong mundo ang mga ginawa ng administrasyong Duterte.

 

Read more...