Hulong Duhat Plaza sa Malabon, inilunsad na

Inilunsad at nai-turnover na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Malabon City local government ang Hulong Duhat Plaza.

Bahagi ito ng Adopt-A-Park project ng ahensya.

Pinangunahan nina MMDA Acting Chairman Engr. Carlo Dimayuga III at Malabon City Mayor Jeannie Sandoval ang inagurasyon at pagbubukas ng ilaw sa plaza noong Huwebes ng gabi.

“The MMDA hopes to provide safe and clean areas for family events and recreational activities, which are both equally necessary to the physical and mental health of the public. We will also help in the promotion of urban development and community engagement to address urban decay,” pahayag ni Dimayuga sa kaniyang talumpati.

Binanggit din nito ang ginagawang rehabilitasyon ng Malabon People’s Park sa Barangay Catmon.

Nagpasalamat naman si Sandoval sa MMDA para sa naturang proyekto.

“The Hulong Duhat Plaza is now our space to interact, make friends, and enjoy physical activities,” saad ng alkalde.

Dagdag nito, “Our city is always looking forward to partnering with MMDA especially for its Adopt-A-Park project. Rest assured that the local government of Malabon will do its part to further develop the spaces and ensure safety for everyone.”

May lawak na 1,500 square meters ang Hulong Duhat Plaza kung saan mayroong makulay na water play fountain, solar floor lights, mga lamesa para sa chess o dama, steel swings, kiddie riders, at seesaw.

Maliban dito, mayroon ding open space para sa zumba at mga tradisyonal na larong Pilipino tulad ng piko, patintero, luksong baka, at tumbang preso.

Read more...