Robredo, suportado pa rin si Duterte pero mananatili sa kanyang prinsipyo

duterte-robredoMananatili ang pag-suporta ni Vice President-elect Leni Robredo sa kay President-elect Rodrigo Duterte at sa administrasyon nito sa kabila ng mga isyung pumapaligid ngayon sa kaniya.

Pero tiniyak naman ni Robredo na maninindigan pa rin siya sa kaniyang mga pinanghahawakang prinsipyo na nag-dala sa kaniyang career bilang isang abogado, taga-sulong ng karapatan ng mga kababaihan at lingkod bayan.

Ayon pa kay Robredo, dapat lang na suportahan nating lahat ang bagong halal na Pangulo ng bansa at tulungan siyang paunlarin ang bayan, kaya iyon ang gagawin niya.

Paliwanag pa niya, ang pag-suporta kay Duterte ay nangangahulugan na gagawin niya ang lahat para makatulong sa paninilbihan nito sa bayan, tulad ng pagbibigay ng ibang perspektibo sa mga isyu upang mas mapalawig pa ang pananaw ng Pangulo.

Gayunman, nanawagan pa rin si Robredo ng pagiging mapagmatyag sa mga binibitiwang pahayag ni Duterte dahil anuman ang sabihin ng pangulo ay isang pahiwatig ng mga magiging polisiya nito.

Patuloy namang naniniwala si Robredo na tutuparin ni Duterte ang ipinangako nito na susundin ang batas at ang pagsulong ng karapatan ng mga kababaihan.

Hiling lang niya na sana ay mas malinaw na maipakita ni Duterte ang mga layunin niyang ito sa publiko sa pamamagitan ng kaniyang mga pahayag.

Read more...