Zero-tolerance policy sa anumang uri ng pang-aabuso ang ipatutupad ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa lahat ng eskwelahan sa bansa.
Pahayag ito ng kampo ni Duterte matapos ang sunud-sunod na ulat na pang-aabuso ng mga guro sa mga estudyante.
Ayon kay Atty. Michael Poa, tagapagsalita ng Department of Education, titiyakin ni Duterte na ligtas sa mga estudyante ang mga eskwelahan.
“DepEd is taking all reports about sexual abuse and violence against our learners in schools seriously as we are determined to ensure that schools all over the country are safe spaces for our learners and free from sexual predators,” pahayag ni Poa.
“We understand that reporting experiences of sexual abuse and violence are often hampered by fear and feeling of embarrassment, but we urge Kindergarten to Grade 12 victim-survivors to report these incidents directly to the Office of the Secretary,” pahayag ni Poa.
Payo ni Poa sa publiko, kapag may reklamo, maaring tumawag sa kanilang hanay sa:
8633-1942
8635-9817
09959218461
Maari aniyang tumawag sa cellphone number kahit tapos na ang oras ng trabaho.
“Your personal information and the nature of your reports will be treated with utmost confidentiality. Help us help you bring these perpetrators to justice and end sexual abuse and violence in our schools.,” pahayag ni Poa.