OVP ginamit sa panghihingi ng ayuda, lalaki nabuking

Pinag-iingat ng tanggapan ni Vice President Sara Duterte ang publiko laban sa mga tao at grupo na nagpapanggap na konektado sa Office of the Vice President (OVP).

Pahayag ito ng OVP matapos maaresto ang isang Joel Calis na nagpakilalang empleado ng OVP at nanghingi ng pera kay Bulacan Mayor Arthur Robes para ilang-ayuda umano sa benepisyaryo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ayon kay Atty. Ron Munsayac, tagapagsalita ni Duterte, mas makabubuting berepikahin sa OVP ang pagkakakilanlan ng mga indibidwal na gumagamit sa pangalan ng bise presidente.

“Pinag-iingat po ang publiko laban sa mga mapanlinlang na tao at grupo na nagpapanggap na empleyado ng Office of the Vice President (OVP). Siguruhin po na ma-verify muna ang pagkakakilanlan ng mga tao na nagpapakilala na may kaugnayan sa OVP. Para po makasiguro, maaaring tumawag sa official OVP telephone numbers, 8532-5942 / 8370-1719,” pahayag ni Munsayac.

Dagdag pa ni Munsayac; “Hinihiling din po namin ang tulong ng mga mamamayan na masugpo ang ganitong panloloko sa pamamagitan ng pagrereport ng mga gawain na ito sa OVP at sa mga otoridad. Makakatulong din po ang pagbibigay sa OVP, PNP, at NBI ng mga litrato at videos ng mga tao na nagpapanggap na empleyado ng OVP.”

Read more...